Wala na nga bang mas mahalaga sa tao
kundi ang ginhawang natamo?
Bakit nga ba hindi makuntento?
Lahat ng bagay sa mundo'y gusto.
Pera ay nilulustay sa bisyo't luho
subalit ang iba'y nakukuba sa trabaho
kumita lang at mabuhay ang pamilya.
Talaga nga bang wala ng konsensya?
Disiplina sa sarili'y biglang nawala.
Kailan matututong alalalahin ang iba?
Kanyang buhay ay maayos at marangya
ngunit ang iba'y mahirap at walang-wala.
Ibahagi natin kung ano'ng meron tayo
sa sarili dapat magmula ang pagbabago.
Pagtulong sa kapwa'y maging bukal sa puso
upang lipunan ay tuluyang magbago.
Date Written: August 20, 2008
No comments:
Post a Comment