Puso ay patuloy na naghihintay
sa araw ng pagdating ng pag-ibig na tunay.
Ilang beses na ring tumibok ito
ngunit lagi rin namang nabibigo.
Puso'y hindi mapakali
ano bang dapat gawin upang ika'y mahuli?
Ngayo'y handa na muling magmahal
sa pag-ibig muling susugal.
Puso'y naghihintay pa rin
na sana ako ay iyong ibigin.
Patuloy na umaasang ika'y matagpuan
at sana ay magmahalan.
Puso ay naghahanap ng pag-ibig na totoo
at ng taong hindi manloloko.
Sana kapag ika'y nahanap na
sa puso'y ako lamang walang iba.
DATE WRITTEN: April 14, 2010
No comments:
Post a Comment