Sunday, January 31, 2016

PASASALAMAT SA ISANG KAIBIGAN

Sa maikling panahon na ating pinagsamahan,
masasabi kong ika'y isang tunay na kaibigan.
Sa lahat ng oras laging nariyan,
at sa lahat ng bagay maaasahan.
Kahit minsan parang lahat ako'y tinalikuran,
nagpapasalamat ako'y di mo iniwan.

Balikat mo'y laging handa upang masandalan,
ni minsa'y di napagod na ako'y pakinggan.
Magkasama tayo sa mga kalokohan,
hanggang sa mga kaseryosohan.
Lagi tayong nagtatawanan,
kahit pa sa buhay ay nahihirapan.

Kapag ako ay nangangailangan,
ikaw ay nariyan upang ako'y tulungan.
Napakaganda ng ating samahan,
na sana'y magtagal magpakailanman.
Salamat at ika'y naging kaibigan,
pangakong habang buhay na mananatili sa puso't isipan.


DATE WRITTEN: April 13, 2010

No comments:

Post a Comment